Saturday, September 24, 2005

nais

nais kong magtapos ng law o kaya religious/values education.
pagkatapos, nais ko rin magturo ng teolohiya sa kolehiyo.
maaari ding pumasok ako sa pulitika. di ko alam...
nais kong makatulong sa mga tao. siguro kelangan ko ngang pumasok sa pulitika. di ko alam...
nais kong magkaroon ng mabuting asawa at malulusog at mababait, at siguro medyo makulit na mga bata.
pero bago yan, nais ko munang maging mabuting tao, asawa at ama para kahit mabigo ako sa nais kong pamilya, ayos lang.
nais ko ring magkaroon ng saeiling bahay. yung maliit lang. ayaw ko ng malaki. mahirap kasi hagilapin ang mga tao kapag malaki ang bahay.
ano pa ba?
marami pa siguo.
pero ngayon, nais kong kumain. gutom na ako.

1 Comments:

Blogger lemony said...

astig. what happened to your old blog? :) kuya jay, pasend nman ng recipe mo ng bicolex.

9:41 PM  

Post a Comment

<< Home